question archive Panuto: Sumulat ng liham sa puno ng barangay
Subject:WritingPrice:2.86 Bought8
Panuto: Sumulat ng liham sa puno ng barangay. Kaugnay ng nararanasang pandemyang COVID 19.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat:
- Sundin ang tamang pormat at bahagi ng liham.
- Kailangang maging matapat, magalang, maayos ang sulat.
- Maaaring humingi ng tulong, naglalahad ng suliranin, nangangailangan ng aksyon,
nagpapasalamat o bumabati sa nagawang tulong ng lider.
Ang isinulat ay tatayain sa sumusunod na pamantayan.
A. Nilalaman ________________________________70
- Kaugnayan sa paksa
- Pagkakaugnay ng kaisipan
- Makatotohanang mga halimbawa
B. Teknikal ___________________________________30
- Margin, bantas, tamang baybay ng mga salita atbp.
- Tamang gamit/ kaangkupan ng mga salita
Kabuuan _________________________________ 100
Kapitan Juan Dela Cruz
123 A, Masagana Street,
Barangay Nagkaisa, Cubao,
Quezon City, Philippines, 1109
(1.0 Spacing)
(YOUR FULL NAME)
(YOUR ADDRESS,
SAME FORMAT AS ABOVE)
(2.0 Spacing)
Kapitan Juan Dela Cruz,
(1.0 Spacing)
Maligayang pagbati sa iyo!
(1.0 Spacing)
Maaari niyo nalang po akong tawaging (NICKNAME). Ako po ay isang estudyante ng Pampublikong Paaralan ng Pag-ahon at nasa ika-anim na baitang. Hindi lingid sa aking kaalaman na marami kayong mga trabaho na dapat tapusin sa araw-araw, ngunit ako po ay humihingi ng kaunting panahon para sana ay inyong mabasa ang aking sulat na ito.
(1.0 Spacing)
Sa isang estudyante na katulad ko, napakaimportante sa akin ang makapagtapos ng pag-aaral at mai-angat sa buhay ang pamilya. Ngunit sa mga panahon katulad ng ating nararanasan ngayon, isang malaking dagok ang biglang bumagsak sa aming mga buhay na tila humahadlang sa mga pangarap na aming unti-unting inaabot.
(1.0 spacing)
Dahil sa pagbabago ng pamamaraan sa edukasyon, hindi po ako nakasisigurado kung kakaynin ko pa ang pag-aaral sa darating na pasukan. Isang malaking tulong po kung mababahagian niyo ako ng kaunting tulong pampinansyal o scholarship na handa ko po na pagtrabahuan sa inyong opisina bilag kapalit.
(1.0 Spacing)
Alam ko po na marami ang sumusubok na humingi sa inyo ng tulong at suporta, ngunit isa din po ako sa nagtitiwala na mabibigyan niyo ng oras at pansin. Maaari niyo po akong balikan sa sulat na aking aasahan at hihintayin.